Sunday, October 27, 2013

Ang kailangan natin ay Matino, Masipag at Mahusay!

Sa aking mga kabarangay,

             Sa paglilingkod sa Barangay, Bayan o Lungsod hindi sapat yung ika’y Mahusay lamang pero hindi ka naman Matino, sapagkat may mga tagapaglingkod sa bayan na Matino nga pero hindi naman sila Mahusay at Masipag, may mga naninilbihan naman na Mahusay nga pero hindi naman sila Matino at Masipag, hindi rin sapat ang ikaw ay Masipag lamang pero hindi ka naman Matino at Mahusay.

Ang kailangan natin ay Matino, Masipag at Mahusay! Ang lahat ng katangian na yan ay nasa ating Punong Barangay Cecilia C. Nepomuceno.

Bilang Chairman sa Committee on Public Works and Infrastructures ako po’y nanguna sa pagpapagawa ng mga pa-trabaho publiko, tulad ng mga daan, rehabilitasyon ng mga daycare center, barangay hall at daluyan ng tubig sa ating lugar, lahat po ng ito’y naisakatuparan sa tulong at suporta ng ating masipag na Kapitana Cecilia   Nepomuceno.

May mga ilang halimbawa na nagpapatunay sa ating Kapitana ng mga nasambit ko na katangian - Matino, Mahusay at Masipag. Tulad ng proyektong daluyan ng tubig, ito’y naipatapos sa takdang      panahon. Ang rehabilitasyon ng mga Daycare Center bago sumapit ang pagbubukas ng klase ng mga bata, bagamat walang sapat na pondo para sa materyales at gastos sa labor, ito’y hindi naging imposible sa ating Kapitana na maipatapos ang nasabing proyekto sa takdang panahon.

Sa unang buwan ng aming panunungkulan, agad na naipagawa ang mga Barangay Oupost sa Purok 6 at Purok 1. Ang mapanatiling Malinis ang buong barangay at maging maliwanag sa tuwing pagsapit ng dilim ay isa sa kanyang   pangunahing proyekto, patunay dyan ang pagkakaroon natin ng bagong truck ng basura at mga kaakibat na kagamitan sa paghahakot ng mga ito.

Sa pagpapagawa ng mga daan dito sa ating Barangay tulad ng sa Sitio Mali, bagamat isa lamang Eskinita ang nakatakdang gawin, hindi naging mahirap sa kanya na maipatapos ang iba pang daan dahil sa kanyang pagsisinop at kanyang determinasyon na maisagawa ang proyekto na hindi lamang umaasa sa pondo ng barangay.

Nang nagkaroon tayo ng pagkakataon na mabigyan ng pondo ng ating Congresman Carmelo Lazatin ng kalahating milyon piso para sa pagpapagawa ng Barangay Hall, malugod po natin itong tinanggap, pero batid natin sa Cutcut Barangay Council na hindi sapat ang halaga na ito upang maipatapos ang ating barangay hall sa ganyang halaga. Bago inumpisahan ang pagsasagawa ng ating barangay hall, bilang Chairman sa Committee on Public Works and Infrastructures sinabi ko sa ating kapitan ng ang pondo na binigay ng ating Congresman ay hindi sapat para maipatapos ang proyektong ito. Hindi nagdalawang salita ang ating Kapitana na ipatupad at isagawa agad ang ating Barangay Hall. Nakita nyo naman po sa ngayon kung gaano kaganda ito. Lahat ng pagkukulang, lalo na sa Labor at pambili ng materyales para sa finishing, ceiling at electrical ng ating barangay hall ay nagawaan ng paraan ng ating Kapitana. Ito po  ang tinatawag na malasakit at hangarin ng tunay na paglilingkod sa Barangay.

Madami pa na naging serbisyo publiko ang naisagawa ng ating Kapitana, hindi po sapat ang kapirasong papel na ito upang masambit ko sa inyo ang lahat.

Ang mga patunay na ito ay ilan lamang sa kakayanan at katangian ng ating Kapitana  ng tapat na  paglilingkod, hangad po naming maipagpatuloy muli ang pagsisilbi sa ating Barangay.






No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...