Wednesday, March 23, 2011

PABASA

Ang Pabasa ay ang pag-awit o pagbasa ng mga deboto sa mahabang pasyon ni Hesukristo. Ang nasabing pasyon na nasa anyong patula ay hango sa Bibliya ng mga Katoliko Romano. Ang grupo ng mang-aawit ay kakanta nang sabay sa saliw ng luma o bagong kanta, sinasamahan ng mga instrumento kung minsan upang mas masigla ang pagbabasa. Kadalasan ang pabasa ay idinadaos kapilya ng barangay. Ang pagbasa ng pasyon ay sinisimulan sa Miyerkoles Santo at tinatapos sa Biyernes Santo.

Halos lahat ng mga tao sa isang komunidad ay nakikisali sa gawaing ito, maliban lamang sa iba na may ibang pananamaplataya. May mga may-ari ng imahen na nagpapahiram ng kanilang poon, mayroon din naman na nagbibigay ng pera at pagkain bilang kontribusyon. Karaniwang salabat ang inihahaing inumin dito upang mapaganda at hindi mapaos ang boses ng kalahaok sa pagbsa ng pasyon.

Dito sa atinng barangay ang mga babae at ilang lalaki ay ginagawa ang pabasa sa loob ng kapilaya ng baryo o kaya naman ay sa bahay ng may-ari na magpapabasa. Gumagawa sila ng pansamantalang altar at lalagyan ito ng Krus o mga imahen na nauugnay sa pasyon katulad ng Kristung Makagapus, Desmayadu o Dolorosa. Kadalasan ay ipinapatong ang mga ito sa ibabaw ng altar na may mga bulaklak at mga nakasinding kandila. Ang pabasa ay ginaganap isang beses sa lahat ng Linggo ng Kuwaresma. 

Ang pasyon ay isang anyo ng sining. Ang unang bersyong Tagalog ay ang ginawa ni Gaspar Aquino de Belen, na may pamagat na Mahal na Pasion ni Jesu Christong Poon. Habang ang pinakatanyag ay ang Pasyong Genesis ni Mariano Pilapil (1814). Dahil sa gawa lamang ang mga ito ng mga ordinaryong tao ay tinuligsa ang mga ito ng mga prayleng Espanyol, sapagkat ang mga ito raw ay naglalaman ng mga pagsalungat sa itinuturo sa simbahan.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...