Sunday, July 1, 2012

Paraan ng pagpaparehistro sa COMELEC


Rehistrado ka na ba sa COMELEC? Simulan mo nang maisakatuparan iyong karapatang mo na makaboto, kaya't magparehistro na!
STEP 1
Ang kwalipikadong aplikante ay kailangan lamang pumunta ng personal sa local COMELEC office para makapagpa-rehistro. Alamin ang kwalipikasyon ng nararapat na aplikante sa link na ito: Registration Requirements.
Upang malaman ang lokasyon ng local COMELEC office na nakakasakop sa inyong lugar, i-click ang link ng COMELEC Offices.
STEP 2
Pagdating sa local COMELEC office, ang identity at address ng aplikante ay kailangang patunayan, kung kaya siguruhing magdala ng valid ID na may litrato at lagda.
Ang kadalasang itinuturing na valid ID ay SSS, GSIS at Philhealth ID, Taxpayer’s (BIR) ID, Postal ID, Driver’s License, PRC License, at Passport.
STEP 3
Ang status of registration ng aplikante ay kailangan ding mapatunayan upang malaman kung totoong hindi pa rehistrado ang aplikante.
Kung ikaw ay rehistrado na, alamin ang detalye ng iyong status of registration sa link ng Registration Verification.
STEP 4
Matapos ang verification ng identity ng aplikante, siya ay bibigyan ng tatlong (3) application form s para sagutan:
Form para sa Election Officer na back-to-back ang printing: (I-click ang front at back pages para ma-download)
Form para sa Provincial File (I-click dito para ma-download)
Form para sa Central File (I-click dito para ma-download)
STEP 5
Matapos masagutan ang forms, kukunan ng biometrics ang aplikante. Alamin sa link na ito ang proseso ngbiometrics digital capturing.
STEP 6
Matapos ang lahat ng proseso, ang aplikante ay bibigyan ng Acknowledgement Receipt.
Paalala: Batay sa COMELEC, ang schedule ng pagpaparehistro ay "During office hours, from 8:00 AM to 5:00 PM, (Mondays-Saturdays including holidays) beginning May 3, 2011 to October 31, 2012."

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...