Isang mayamang negosyante ang tumatanda na at alam nyang panahon na upang pumili siya ng taong papalit sa kanya sa pamamahala ng kanyang negosyo. Sa halip na pumili mula sa kanyang mga anak at mga direktor, nagdesisyon siya na gumawa ng isang kakaibang paraan. Ipinatawag nya ang 'young executives' ng kumpanya.
Ang sabi nya, "Panahon na para ako'y magpahinga at pumili ng papalit sa akin bilang CEO. At nagpasya ako na pumili ng isa sa inyo." Nagulat ang 'young executives' ngunit nagpatuloy ang boss. "Bawat isa sa inyo ay bibigyan ko ng BUTO ngayong araw na ito - isang espesyal na BUTO. Itanim ninyo ito, diligin at bumalik kayo dito 1 taon mula ngayon dala ang inyong tanim mula sa butong galing sa akin. Hahatulan ko kayo mula sa halamang dadalhin ninyo at ang taong mapipili ko ang papalit sa akin bilang bagong CEO."
Si Jim ay nanduon ng araw na iyon at gaya ng ibang kasama nya ay tumanggap din ng buto. Umuwi na sobra ang pananabik at ikinwento nya sa kanyang asawa ang pangyayari. Tinulungan siya nitong kumuha ng paso, lupa at pataba, at itinanim nila ang buto. Araw-araw ay dinidiligan ni Jim ang paso at inaabangan ang pagtubo ng buto. Matapos ang 3 linggo, ang ibang kasama ni Jim ay nag-uusap na sa kanilang mga buto at halaman na nagsisimula na nilang mapalaki.
Palaging tinitingnan ni Jim ang kanyang buto ngunit wala pa ding tumutubo mula doon.
Tatlong linggo, apat na linggo, limang linggo ang lumipas, wala pa din.
Ang mga kasama niya ay masayang nagkukwento tungkol sa kanilang mga halaman, ngunit si Jim ay wala pang napatutubo man lang...at nakaramdam na siya ng pagkabigo.
Anim na buwan ang lumipas - wala pa ding tumutubo sa paso ni Jim. Naisip tuloy nya na napatay nya ang kanyang buto. Ang mga kasama nya ay mayroon nang matataas at mayayabong na halaman - ngunit siya ay wala. Wala siyang binanggit sa kanyang mga kasama. Sa halip ay patuloy pa nyang diniligan at pinatabaan ang lupa sa kanyang paso - gusto nyang mapatubo pa din ang buto.
Lumipas ang isang taon at lahat ng 'young executives' ay dala ang kanilang mga halaman para makita ng kanilang CEO. Sabi ni Jim sa kanyang asawa ay 'di siya magdadala ng walang lamang paso.
Ngunit tugon ng kanyang asawa ay maging tapat sa mga pangyayari. Masama ang pakiramdam ni Jim at sa kanyang tingin ay 'yun na ang pinaka-nakakahiyang araw sa buong buhay nya, ngunit alam nyang tama naman ang kanyang asawa. Dinala nya ang kanyang walang lamang paso sa 'boardroom'. Pagdating nya ay namangha siya sa uri ng mga halamang dala ng kanyang mga kasama. Lahat ay magaganda - ang mga hugis at laki. Ibinaba ni Jim ang kanyang paso sa sahig. Pinagtawananan siya ng karamihan at ang iba ay nalungkot para sa kanya.
Nang dumating ang CEO, tiningnan nya ang silid at binati ang 'young executives'.
Si Jim naman ay nagtatago sa gawing likuran. "Wow...anong ganda ng mga halamang inyong napalaki at ang mga bulaklak nito!" wika ng CEO. "Ngayon, isa sa inyo ang hihiranging susunod na CEO."
Nakita ng CEO si Jim na nasa likod dala ang kanyang paso na walang laman. Ipinatawag niya ito sa kanyang financial director at dinala sa harapan. Nabigla si Jim at naisip nyang pumalpak siya at malamang ay paalisin na siya.
Nang nasa harap na siya ay tinanong ng CEO kung ano ang nangyari sa kanyang buto - at sinabi nya ang buong kwento.
Pinaupo ng CEO ang lahat maliban kay Jim. Tiningnan niya ito at sinabi sa 'young executives'..."Narito ang inyong susunod na CEO!"
"Siya ay si Jim!" 'Di makapaniwala si Jim sa narinig. Hindi nga nya napatubo ang kanyang buto.
"Paanong siya ang susunod na CEO?" tanong pa ng iba.
Sagot ng CEO, "Isang taon ang nakaraan, lahat kayo ay binigyan ko ng buto upang itanim, diligin, patubuin, alagaan at dalhin sa araw na ito. Ngunit ang ibinigay ko sa inyo ay patay na buto - at imposibleng tumubo ang mga ito."
"Lahat kayo maliban kay Jim ay dinalhan ako ng naggagandahang halaman. Pinalitan ninyo ang inyong mga buto nang malaman ninyong 'di ito tutubo. Si Jim lang ang may tapang at katapatan na magdala ng pasong buto lamang ang tanging laman. Kaya't siya ang magiging bagong Chief Executive Officer!"
Moral Lesaon:
Maging TAPAT po tayo anuman po ang ating mga ginagawa.
May kasabihan po na "Kung ano ang ating itinanim ay siya nating aanihin."
Plant honesty and reap trust.
Plant goodness and you reap friends.
Plant humility and reap greatness.
Plant perseverance and reap contentment.
Plant consideration and reap perspective.
Plant hard work and reap success.
Plant forgiveness and reap reconciliation.
Plant faith in GOD and reap a harvest.
Ang tanong "ANO BA ANG ITINATANIM NATIN NGAYON?"
PS. SANA MAY NAPULOT KAYO SA KWENTO NA TO.
TO YOUR SUCCESS!
Everyone please read, like our page and Share.
No comments:
Post a Comment